CAMARINES NORTE- Nasa low risk area na ng COVID-19 cases ang 23 Barangay sa bayan ng Daet matapos na bumaba na sa 2 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa naturang bayan
Habang ang mga Barangay V at Camambugan ay nasa ilalim ngayon ng Moderate risk
Sa pinakahuling report ng Daet IMT sa pamamagitan ng kanilang emergency operations Center na may petsang February 16, 2022 Mas lalo pang bumagal sa 0.32% ang average daily attack rate ng COVID-19 sa naturang bayan
Ang dalawang aktibong kaso ay pawang mga nagpositibo sa RT PCR test at sa walang positibo sa Rapid antigen test
Papataas na man ang bilang ng mga pasyenteng gumaling sa sakit na ngayon ay umaabot na sa 1,269 habang nananatili sa 67 ang mga nasawing positibo sa COVID-19 at 35 ang nasawing COVID Pneumonia Suspect/Probable
Habang 8 na lang ang under monitoring ng EOC
Sa ngayon ay mayroon ng 1,338 total cases ng COVID-19 sa naturang bayan
