Maymay Entrata, pormal nang ipinakilala ang BF kasabay ng Valentine’s Day

Sinurpresa ng aktres na si Maymay Entrata ang kanyang mga fans at mga kasamahan sa showbiz noong Valentine’s Day, nang pormal nitong ipakilala ang kanyang kasintahan sa pamamagitan ng social media.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Maymay ang larawan ng kanyang sarili na cozy sa kanyang beau, na tila foreigner.

Read More:  Bea and Vincent tie the knot

May maiksing caption ang post na “Happy Birthday my Valentino.”

Agad na binaha ng komento ang post ng aktres, kabilang na ang kanyang mga kasamahan sa showbiz, na masaya para sa kanya.

Read More:  Bea and Vincent tie the knot

Matatandaan na noong Abril nang nakaraang taon nang ibahagi ni Maymay ang kasalukuyang lagay ng kanyang puso, at inihayag may nagpapasaya na sa kanya na hindi mula sa showbiz. //MHEL PACIA-TRINIDAD