Inirekomenda ng Sweden’s public health agency ang fourth dose ng Covid-19 vaccine para sa mga taong higit 80 taong gulang, mga nasa nursing homes at mga nakakatanggap ng at-home care.
Ayon sa ahensya ang jab ay dapat kunin apat na buwan, matapos ang huling dose.
Mababatid na sa naturang bansa, mahigit 85 percent ng mga nasa edad 80, ang nakatanggap na third dose ng bakuna.

Ang Scandinavian country, na tinanggal ang lahat ng restrictions noong February 9 sa kabila ng surge sa Omicron infections, ay gumawa ng headlines sa unang bahagi ng pandemya matapos na hindi magpatupad ng lockdowns.