Kikilalanin na ng Pilipinas ang COVID-19 vaccination certificates mula sa Malaysia at Ireland.
Sinabi ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles na base ito sa rekomendasyon ng Department of Foreign Affairs.
Ipinunto ni Nograles na magagamit na ng mga byahero na mula sa dalawang nasabing bansa ang kanilang vaccination certificates para sa kanilang pagsunod sa arrival quarantine protocols ng Pilipinas, at pati na rin sa interzonal at intrazonal movement sa bansa.
Una nang inaprubahan ng IATF ang COVID-19 vaccination certificates mula sa Slovenia, Bahrain, Qatar, Switzerland, Hong Kong, Brazil, Israel, South Korea, at Timor Leste.
