Tulay sa Pittsburgh bumigay, 10 sugatan!

Sugatan ang sampung tao makaraang bumigay ang isang tulay na nabalot ng snow sa Pittsburgh ilang oras lamang bago ang nakatakdang pagbisita ni US President Joe Biden.

Tinukoy naman ng mga otoridad na minor injury ang tinamo ng mga biktima.

Read More:  Several Florida polling precincts moved due to heavy rain and flooding

Ayon sa report ni Fire Chief Darryl Jones, apat na sasakyan ang nasa tulay nang bumagsak ito.

Read More:  Over 400,000 respiratory infection cases recorded in Indonesia amid wildfires and haze

Sinikap ding suyurin ng mga otoridad ang ilalim ng tulay para masigurong walang naipit o natabunan ng mga debris.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang dahilan ng pagbagsak ng tulay.