Health experts, hiniling kay Duterte na i-veto ang vape bill

Umapela ang Philippine College of Physicians (PCP) kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-veto ang panukala na humihiling na i-regulate ang vaporized nicotine at non-nicotine products o vapes.

Ayon kay PCP president Dr. Maricar Limpin, ang vape bill ay taliwas sa campaign promise ni Duterte na pigilan ang paglaganap ng narcotics, at tataas rin ang addiction sa sigarilyo at alcohol at ipinagbabawal na droga.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Para sa PCP president, layunin lang talaga sa likod ng panukala ay mapalawak ang market ng tobacco industry sa mga bata.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Senegundahan naman ito ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, at sinabing ang vape products, na naglalaman ng nicotine, ay kailangan i-regulate ng FDA.

Kaugnay nito, suportdo rin ni Health Secretary Francisco Duque III ang panawagan na i-veto ang Vape Bill. //MHEL PACIA-TRINIDAD