Naniniwala ang OCTA Reseach na aabutin pa ng ilang buwan, bago tuluyang bumaba ang Omicron surge sa bansa, sa kabila ng pagbaba ng mga kaso sa Metro Manila.
Ayon kay OCTA Research fellow Guido David, bahagyang matatagalan ang 1,000 cases o mas mababa pa dito, bawat araw.
Una nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na minomonitor ng kanilang ahensya ang healthcare utilization rate sa mga rehiyon, lalo na sa Cordillera Administrative Region at Eastern Visayas.

Samantala, sinabi ni David na ang COVID-19 situation sa Metro Manila pagdating sa usapin ng mga bagong kaso, ay nagsimulang mag-improve sa kalagitnaan ng Enero.
Dagdag nito, on track ang capital region para makamit ang projection ng OCTA na 1,000 infections per day nalang pagdating sa Valentine’s Day. //MHEL PACIA-TRINIDAD