DOJ kay Acosta: Sumunod sa panuntunan para sa mga unvaxxed govt workers

Pinayuhan ni Justice Secretary Menardo Guevarra si Public Attorney’s Office chief Persida Acosta na mag-comply sa umiiral na panuntunan ng gobyerno kaugnay sa onsite work para sa mga unvaccinated personnel.

Kaugnay nito, pinayuhan rin umano niya si Acosta na tiyakin ang COVID-safe working environment sa kanyang ahensya na hindi masasakripisyo ang efficiency.

Read More:  Remulla denies rumors of Romualdez leaving Quezon City Jail

Ayon kay Guevarra, batay sa IATF rules, ang mga personnel na magrereport sa onsite work ay kailangang bakunado, pero ang mga hindi pa tumanggap ng shots at kailangang sumailalim sa RT-PCR o antigen testing, isang beses sa dalawang linggo.

Read More:  Robredo sees no political bias in Marcos calamity fund distribution

Samantala, una nang sinabi ni Senator Franklin Drilon, na dating Justice Secretary, na dapat pagbawalan si Acosta na physically mag-report sa trabaho, dahil sa kanyang kasalukuyang vaccination status.