Matatanggap na ng mga guro at non-teaching personnel ang kanilang Performance-based bonus (PBB) para sa Fiscal Year 2020.
Ito’y matapos ma-assess ng Inter-Agency Task Force on the Harmonization of National Government Performance Monitoring, Information and Reporting Systems ang naturang departamento bilang ligible para sa naturang insentibo.
Kaugnay nito, ang school-based personnel ang unang makakatanggap ng kanilang bonuses.
Ayon kay DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla, ang halaga ay depende sa performance ng bawat empleyado at ng unit nito.

Kaugnay nito, may tatlong classifications ng performances na kinabibilangn ng good na makakatanggap ng 50% ng kanilang sahod, better sa 57.5% at best performance na makakatanggap naman ng 65% ng kanilang sahod.