Mga COVID-19 heroes sa So.Cot, pinarangalan

KORONADAL CITY- KINILALA at pinarangalan ng provincial government ng South Cotabato ang 1,350 na mga indibidwal at 11 mga grupo na nanguna sa pakikipaglaban sa COVID 19 sa lalawigan ng South Cotabato simula noong 2020.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Kabilang sa binigyan ng award ang 991 public health workers, 359 personnel sa ilalim ng support unit, at 11 mga grupo o teams na inilagay sa risgo ang kanilang kalusugan sa ngalan ng serbisyo publiko.

Ang mga tinaguriang COVID-19 heroes ay kinabibilangan ng mga medical at mga personnel na nakatalaga sa hospitals, isolation at mga healthcare facilities at mga support groups.

Read More:  Severed woman’s head found in Cebu as police probe link to missing caregiver

Ang mga ito ay nakatanggap ng plaques of recognition at tokens.