Legazpi City may 26 na kaso na nagpositibo sa COVID 19 kahapon; bagong guidelines ipapatupad

LEGAZPI CITY – Dumarami na naman ang nagpopositibo sa corona virus disease (COVID) 19 sa lungsod ng Legazpi.

Kahapon nakapagtala muli ng 26 na kaso ang nagpositibo sa covid 19 sa lungsod.

Pinakamaraming tinamaan ng nasabing sakit ay mula sa Government Employee, Healthcare Worker at paisa-isa na rin na nagkakaroon ng sakit na covid 19 ang businessman, private employee, medical frontliner at estudyante.

Read More:  Volunteer teacher helps pupils cross swollen river after class in Negros

Ayon kay Alkalde Noel Rosal ng Legazpi, maglalabas ito ng bagong guidelines na ipapatupad sa lungsod upang mapigilan ang pagdami ng naturang sakit.

Read More:  Church theft suspect arrested in Bacolod drug bust, police link tattoos and confession

Lilimitahan muna umano ang pagpasok sa mga business establishment lalo na ang mga hindi pa bakunado.

Epektibo sa Enero 14 hanggang 31 ng taon 2022 ay magiging mahigpit ang lungsod ng legazpi dahil sa pagtaas ng kaso ng covid 19.