Slovakia, nag-alok ng cash para sa mga higit 60 anyos na magpapabakuna

Magbibigay ang Slovakia ng cash para sa mga indibidwal na higit 60-anyos kapalit ng kanilang pagpapabakuna kontra COVID-19 at pati na rin sa mga kukuha ng booster shot.

Layon ng Slovakia na mapataas ang inoculation rates nito na napag-iiwanan na sa buong European Union.

Read More:  Several Florida polling precincts moved due to heavy rain and flooding

Sa Slovakia ay makakatanggap ng 300 euros (P17,000) ang mga indibidwal na kukuha ng booster shots habang ang mga higit-60 anyos naman na magpapaturok ay mabibigyan ng 200 euros (P11,375).

Dati nang kinonsidera ng Parliament ang pagbibigay ng vouchers para sa mga hotels o restaurants bago ito napalitan sa payouts.

Read More:  Over 400,000 respiratory infection cases recorded in Indonesia amid wildfires and haze

Una na rin nag-alok ang Switzerland noong Oktubre sa mga mamamayan nito na makakakumbinsi sa kanilang mga kakilala na magpabakuna kontra COVID-19 ng incentives tulad ng libreng sine o pagkain sa restaurants.