Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nabakunahan na ng National Capital Region ang 100% ng kanilang target population.
Una nang sinabi ni MMDA chairperson Benhur Abalos Jr. na ang rehiyon ay mayroong eligible population na 9.8 million.
Sa gitna nito, ipinamamalaki rin ni Abalos ang pagkontrol sa pagkalat ng Delta variant.
Giit ni Abalos, hindi naranasan ng Pilipinas ang surge ng Delta sa ibang lugar, nawalan ng oxygen tanks o napuno ang mga health facilities.

Pagpuri ng MMDA chairman, magaling ang ginawa ng team ngayon laban sa naturang variant. //MHEL PACIA-TRINIDAD