Bayan ng Vinzons bumaba na sa 3 ang aktibong kaso ng COVID-19 

CAMARINES NORTE- Bumaba na lamang sa 3 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Vinzons sa report ng Municipal Health Office na may petsang November 10, 2021.

3 barangay na lamang ang may mga aktibong kaso na kinabibilangan ng Calangkawan Norte, Poblacion 1 at Poblacion III na may tig-iisang kaso

Read More:  Kabankalan dairy hub targets 640,000 liters of milk yearly

Dahil dito ay tumaas na sa 229 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling sa sakit at habang nananatili pa rin sa  20 ang naitalang nawalan ng buhay mula sa 252 total cases na naitala sa bayan ng Vinzons 

Read More:  MV June Aster fire death toll rises to 76 in Palawan, 13 remain missing

Samantala, sa kanilang ulat kaugnay COVID-19 Case Facility , as of November 09, 2021 ay kasalukuyang may 3 nakaadmit habang wala ng pasyente na nasa Municipal Isolation Unit (MIU) , gayundin sa Barangay Isolation Unit (BIU) at home isolation