Vaccination for all, inilunsad sa bayan ng Mexico

Inilunsad ng Mexico LGU ang vaccination for all o bakuna para sa lahat.

Sa kanilang pabatid kaninang umaga, nakasaad na pwedeng mag walk-in ang sinumang 18 anyos pataas na nais magpabakuna sa Mexico Community Hospital.

Read More:  15-year-old admits killing mother found inside abandoned septic tank in Bohol

Bukas umano ito sa lahat maging sa mga indibidwal na mula sa ibang munisipyo.

Isasagawa ang vaccination mula Lunes hanggang Byernes, alas-otso ng umaga hanggang alas-kwatro ng hapon.

Read More:  Two fishermen rescued after boat carrying sacks of cement capsizes

Samantala, layunin umano nitong makatulong ang bayan para mapabilis ang vaccination roll-out kontra Covid-19 sa lalawigan ng Pampanga.