China handang makipag-ayos sa Amerika

Tila nagpahiwatig ang China na kaya nitong ayusin ang anumang hindi pagkakaunawaan sa America.

Ito ang inihayag ni Chinese President Xi Jinping sa nakaplanong virtual meeting nito kasama si US President Joe Biden sa susunod na linggo.

Read More:  At least 27 killed after Fire engulfs beer hall in Thailand

Hindi pa naman malinaw kung kailan ang eksaktong petsa at oras ng pulong ng dalawang leader.

Nagpahiwatig ng tila pagbuti ng relasyon ng China at America ang inilabas na sulat ni Xi kung saan nakasaad na handa ang China na makipagpalitan at makipagkaisa sa lahat at ibalik sa maayos na relasyon ang dalawang world powers.

Read More:  Venezuela earthquake death toll climbs to nearly 4,500

Ang sulat ay binasa ni China Ambassador to the US Qin Gang sa isinagawang dinner ng National Committee on US-China relations sa Washington.

Isiniwalat naman ng US officials na nabuo ang kasunduan sa China na magkaroon ng virtual meeting sina President Biden at Xi.