Konstruksyon ng malaking water reservoir na inaasahang tatapos sa problema sa tubig sa Legazpi City, sisimulan na sa Enero

BICOL—Mayroon nang budget allocation ang itatayong malaking water reservoir sa Barangay Buenavista, lungsod ng Legazpi na inaasahang tatapos sa paulit-ulit at dekada nang problema sa tubig sa lungsod.

Ayon kay Mayor Noel Rosal, sa pag-uusap ng local finance committee at Sanggunin officials ay mayroong inisyal na P100 million na pondong inilaan para rito upang masimulan na ang mga paunanang patrabaho.

Kabilang dito ang pipe installation na ayon sa alkalde, maaaring simulan na agad sa Enero ng susunod na taon. Posible umanong abutin ng dalawa hanggang tatlong taon ang konstruksyon ng reservoir pero magiging malaking kaginhawahan ito sa mga Legazpeño oras na matapos.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Base kasi sa pag-aaral, kaya nitong magsupply ng hanggang 30 cubic meters ng tubig kada araw o halos sasapat na sa 32,000 cubic meters na daily consumption requirement ng lungsod.

Anya, sa kabuuan, aabutin ng P500 million ang gagastusin sa proyekto. Kung wala umanong tutulong, sosolohin na lamang ito ng LGU.

Pero oras anya na matapos ito ay ang local na pamahalaan na ang hahawak at hindi na ipapaubaya sa alinmang pribadong kumpanya upang maging abot-kaya para sa mga mamamayan.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Binigyang-diin din nito na kailangang patuloy na maghanap ng backup source ng tubig lalo pa at tumataas ang consumption requirement ng lungsod. Ito anya ang matagal nang hindi ginagawa ng Legazpi City Water District (LCWD).

Maliban sa itatayong reservoir, inaasahang sa Enero ay mapapakinabangan na rin ang water supply mula sa Mactan Rock na isa sa mga kinuhang supplier ng LGU bilang tugon sa lumalalang problema sa tubig sa lungsod.### || slm