Security meeting, ipinatawag matapos ang drone attack sa tirahan ng Iraqi Prime Minister

Nakaligtas si Iraqi Prime Minister Mustafa al-Kadhimi mula sa isang assassination attempt ng armadong drone sa Baghdad.

Nangyari ang pag-atake sa gitna ng tumataas na tensyon sa bansa ilang linggo matapos almahan ng Iran-backed militias ang Iraqi general elections.

Sa isang video na inilabas ng opisina ni Kadhimi ay makikita ang pakikipagpulong ng Prime Minister kasama ang matataas na security commanders ng bansa.

Read More:  Several Florida polling precincts moved due to heavy rain and flooding

Kasunod ng meeting ay naglabas ng pahayag ang opisina ng premier kung saan ay sinabi nito na kaduwagan ang naturang terroristic attack na ang layunin ay paslangin ang prime minister.

Read More:  2 foreign tourists die in suspected electrocution incident at luxury hotel pool in India

Walang tinamong pinsala ang prime minister pero base sa ilang ulat ay sugatan ang anim na bantay ni Kadhimi na naka-istasyon sa bahay nito sa Green Zone.

Inihayag rin sa ulat na tatlong drones ang ginamit sa pag-atake kabilang na ang dalawa na napabagsak ng security forces.