Nagbabala ang World Health Organization sa posibilidad na muling maging epicenter ng COVID-19 pandemic ang Europa dahil sa pagtaas muli ng kaso sa malaking bahagi nito.
Ayon kay WHO-Europe head Hans Kluge, posibleng sumampa sa kalahating milyon ang death toll pagdating ng Pebrero ng susunod na taon.
Hindi naiwasang isisi ni Kluge ang posibleng pagtaas sa hindi sapat na vaccine take-up.
Kaugnay nito ay binigyang diin ni Kluge na dapat nang palitan ang taktika ng paglaban sa surge ng COVID-19 sa pamamagitan ng pag-iwas na bago pa ito mangyari.
Giit pa ng opisyal na kasama ding dapat sisihin ang pagiging kampante ng publiko sa mga health measures sa tuwing bumababa ang bilang ng mga infections sa European region na sumasaklaw sa 53 na bansa kabilang na ang ilang bahagi ng Central Asia Base sa tala, nasa 1.4 million na ang death toll sa rehiyon.