Roque, ayaw makita ang mga kaalyado umano ng extremists groups sa Kongreso

Inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi siya papayag na makapasok sa Senado ang mga tinawag niya bilang “extremist” groups.

Sinabi ni Roque na premature pa ang lahat sa ngayon, ngunit nakahanap siya ng rason para tumakbo sa pagka-Senador matapos niyang malaman ang nangyari sa Amerika.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Giit ni Roque, plano niyang tumakbo sa halalan upang patunayan na marami pa rin ang sumusuporta sa kaniya, ngunit ipapaalam na muna niya ito sa Pangulo.

Ang tinutukoy ni Roque ang ang pagdaraos ng ilang grupo ng kilos-protesta sa private reception na kaniyang isinaayos sa US para sa maraming foreign missions noong Biyernes.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Sa gitna ng rally, ay sinabi ng mga miyembro ng Bayan USA at ng iba pang grupo ng mga aktibista mula New York at New Jersey na hindi karapat-dapat na mabigyan si Roque ng pwesto sa International Law Commission dahil sa pagiging “war criminal” at spokesperson ng rehimeng Duterte.