BBM camp ayaw patulan ang paninira, disqualification case sasagutin sa tamang forum

Handa ang kampo ni Presidential aspirant Bongbong Marcos na sagutin ang inihaing petisyon sa Comelec ng isang grupo na nanawagan ng kanyang disqualification.

Sa inilabas na pahayag ni Atty. Victor Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos hihintayin umano nila ang kopya ng petisyon bago nila ito sagutin sa tamang oras at proper forum.

Read More:  Palace assures stable prices for 190 basic goods until year-end

Sa ngayon sinabi ni Rodriguez hindi muna sila magkokomento sa umano’y mga politikal propaganda na ibinabato sa kanila ng mga kalaban sa pulitika.

Read More:  NBI Chief Matibag says arrest of Sen. Bato Dela Rosa could be near

Hindi umano sila pumapatol sa tinatawag na ‘gutter politics’ dahil ang kampanya nila ay para sa ‘nation building’.