Año paiimbestigahan ang sunog sa Zamboanga del sur na ikinasira ng 150,000 COVID-19 vaccine doses

Ipinag-utos ni Interior Sec. Eduardo Año ang imbestigasyon sa nangyaring sunog sa Zamboanga del Sur provincial health office kung saan aabot sa halos 150,000 doses ng COVID-19 vaccines ang nasira.

Ayon kay Año kasama ang Department of Health, Philippine National Police at Bureau of Fire Protection sisiyasatin nila kung nagkaroon ba ng pagkukulang na nagresulta sa pagkasayang ng mga bakuna.

Read More:  Robin Padilla denies ‘helping Bato escape’ after Senate CCTV release

Dagdag pa ng kalihim dapat maging ‘wake up call’ ang naturang pangyayari sa iba pang local chief executives na mas higpitan ang pagbabantay sa mga bakuna.

Read More:  British lawyer Peter Haynes confirmed as Duterte’s new counsel

Mas mainam ayon kay Año na agad maiturok ang mga bakuna sa mga tao nang sa ganun ay maiwasan ang pagkasayang ng mga ito.

Handa naman umano ang DILG na parusahan ang mga LGUs na mapapatunayang nagkaroon ng pagkukulang.