DOJ, tututok ngayon sa kanilang review ng drug war deaths sa urban areas

Tututukan umano ngayon ng Department of Justice ang pagreview sa mga drug war killings sa urban areas, matapos na ilabas na nila ang inisyal na assessment para sa 52 kaso.

Ayon kay DOJ Undersecretary Adrian Sugay, mayroon pang 6,000 natitira na kailangan tingnan.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

At dahil masyado pang marami at may ilang buwan lang sila para tapusin ito, napag-usapan ng ahensya na mag-concentrate sa urban areas.

Sinabi naman ni Sugay na handa ang chief ng Philippine National Police na ipakita ang case records sa DOJ.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Mababatid na sa 52 nireview na mga kaso sa drug war killings, nadiksubre ng DOJ na maraming pulis ang hindi sumunod sa standard operating protocols at mga proseso. //MHEL PACIA-TRINIDAD