Palasyo: Batas, kailangan bago gawing requirement ang vax vs COVID para sa mga empleyado

Nanindigan ang Malacañang na kailangan ang batas para gawing requirement para sa mga empleyado, ang vaccination laban sa COVID-19.

Ang pahayag ni presidential spokesperson Harry Roque ay tila taliwas sa pahayag ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. at Labor Secretary Silvestre Bello III kaugnay sa vaccination ng mga manggagawa.

Read More:  PNP says search for Bato Dela Rosa remains on track

Ayon kasi kay Galvez, hindi naman matatawag na diskriminasyon ang mga kompanyang hindi tatanggap ng non-vaccinated individuals, na senegundahan naman ni Bello.

Sinabi naman ni Roque na hindi pa naabot ng vaccination program ang kanilang target na pagturok sa 500,000 vaccine doses araw-araw.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Sa kabila nito, inaasahang bibilis na ang takbo ng programa, dahil may sapat nang suplay ng bakuna, kung saan ibinubuhos ito sa Regions 3, 4A at iba pang probinsya. //MHEL PACIA-TRINIDAD