CAMARINES NORTE- Isang miyembro ng Guttierez Drug Group na kabilang sa Regional Recalibrated Database on Illegal Drugs ng PNP at isa pang kasama nito ang nasakote sa ikinasang operasyon laban sa iligal na droga ng mga tauhan ng Jose Panganiban MPS nitong Oktubre 17, 2021 dakong 2:30 ng madaling araw sa Purok-1, Barangay Sta. Rosa Sur, Jose Panganiban, Camarines Norte.
Ang nasabing miyembro ng Guttierez Drug Group ay kinilalang si ARLAN SILVIO y Cerace, 45 anyos, at residente ng Purok-4, Barangay Bagong Silang II, Labo, Camarines Norte at ang kanyang kasama ay nakilalang si ANDY MARK MAGANA y Muena, 29 anyos, at residente ng Purok-1, Barangay Bautista, Labo, Camarines Norte.
Ang nagpanggap na poseur buyer sa nabanggit na operasyon ay matagumpay na nakabili kay SILVIO ng Isang (1) katamtamang laki ng selyadong plastik na pakete ng hinihinalang “shabu” (buy-bust item). Nakuha sa isinagawang operasyon ang mga sumusunod:
a. Isang (1) piraso ng Limang Daang Piso (Php 500,00.) na may serial numer na LY637498 at Limang (5) piraso ng pekeng Isang Libong Piso (Php 1,000.00) (boodle money);
b. Isang (1) piraso ng malaking transparent na plastik na pakete na naglalaman ng Tatlong (3) piraso ng katamtamang laki ng plastik na pakete ng hinihinalang “shabu” (nakuha kay SILVIO); at
c. Isang (1) piraso ng katamtamang laki ng plastik na pakete ng hinihinalang “shabu” (nakuha kay MAGANA).
Ang mga nasamsam na iligal na droga ay tinatayang may street value na Siyamnaput Pitung Libo at Limang Daang Piso Piso ang halaga (97, 500.00) na tumitimbang ng tinatayang humigit kumulang Labinlimang (15) gramo.
Kasong paglabag naman sa Sections 5 at 11, Article II ng RA 9165 ang kasong kakaharapin ni SILVIO samantalang paglabag naman ng Section 11, Article II ng RA 9165 ang kasong kakaharapin ni MAGANA.

