Amerikano pinakabagong kaso ng COVID- 19 sa bayan ng Basud

CAMARINES NORTE- Umaabot na sa 222 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID- 19 sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Ito ay makaraang magpositibo sa sakit ang isang American National na kasalukuyang naninirahan sa Barangay Laniton.

Ang pasyente ay isang 57 anyos na lalaki na unang nakaranas ng sintomas noong October 12.

Wala itong travel history at hindi rin alam kung paano nahawa ng sakit.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ang pasyente ay kasalukuyang nagpapagaling sa isang pribadong ospital sa lalawigan habang naka quarantine na rin ang mga close contacts nito.

Mayroong 25 aktibong kaso ng sakit ngayon sa naturang bayan at 180 naman ang gumaling.

Nananatili sa 17 ang kabuuang bilang ng mga nasawi.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Sa 29 na barangay ng naturang bayan, ang Barangay Poblacion 2 ang may pinakamaraming naitala na mayroong 41.

Mayroong aktibong kaso ang 14 na barangay sa ngayon habang ang Binatagan at San Jose na lamang ang wala pang naitatalang kaso.