27 anyos na lalaki, huli sa ikinasang buy-bust operation ng PNP sa bayan ng Mercedes

CAMARINES NORTE- Isang 27 anyos na lalaki ang nadakip ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan sa kanilang ikinasang buy-bust operation dakong 12:40 ng umaga nitong sabado sa Cory Aquino Boulevard, Purok-1A, Brgy. San Roque Mercedes, Camarines Norte.

Ang suspek ay nakilalang si MARVIN DE ARAO y BENITEZ, 27 anyos at residente ng Purok 1A, Brgy. 3, Mercedes, Camarines Norte.

Read More:  Pope Leo appoints new spiritual leader of Diocese of Bacolod

Nakumspika sa pag-i-ingat nito ang Dalawang (2) piraso ng maliit na selyadong plastik na pakete ng hinihinalang “shabu” na nagsilbing buy-bust item; Walong (8) piraso ng maliliit na selyadong plastik na pakete ng hinihinalang “shabu” (item in possession); at Isang (1) Limang Daang Piso na buy bust money.

Ang mga nasamsam na iligal na droga ay tinatayang may street value na Dalawang Libo at Limang Daang Piso (2,500.00) ang halaga.

Read More:  3 Cebu traffic enforcers fired over alleged extortion

Ang nasabing personahe ay nasa kustodiya na ng Mercedes MPS para sa kaukulang disposisyon kasabay ang inihahandang kasong paglabag sa RA 9165 laban sa suspek