Emergency alerts na panawagang suporta para kay BBM, naglabasan kasabay ng paghahain nito ng COC

Naglabasan ang emergency alerts sa mga mobile phones sa Sofitel sa Pasay City, hindi para sa lindol o bagyo, kundi panawagang suporta para kay dating Sen. Bongbong Marcos, kasabay ng paghahain nito ng certificate of candidacy pagkapangulo.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Ang alerts ay naglalaman ng mga katagang hashtag #BBM2022.

Natanggap ang naturang alerts ng ilang mga indibidwal, kabilang na ang mga journalists, ilang minuto matapos ang paghahain ni Marcos ng kanyang COC sa Commission on Elections (Comelec) tent sa Sofitel grounds.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Kaugnay nito, agad nilinaw ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), na kadalasang nagpapadala ng naturang mga alerto para sa mga extreme weather events, na wala silang kinalaman dito. //MHEL PACIA-TRINIDAD