Lalaki patay matapos tagain sa bayan ng Dumaran

Patay matapos tagain ang Rolly Valdez Vigonte, 46 anyos noong Oktubre 4, 2021 sa So.  Aguinaldo, Barangay Capayas, Dumaran, Palawan

Ang suspek sa krimen ay si Jeric Jagmis Factor, 20 anyos, walang asawa, construction worker, at parehong residente ng Sitio Aguinaldo,  Barangay Capayas, Dumaran, Palawan.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Ayon sa imbestigasyon na habang ang biktima ay nasa kanyang tirahan at naghahanda para sa tanghalian ay bigla siyang tinaga ng suspek na tumama sa likurang bahagi ng kanyang katawan, batok at leeg.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Nagtamo ng maraming sugat ang biktima na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay habang agad na tumakas ang suspek na patuloy na tinutugis.

Isa sa tinitingnang motibo sa krimen ay paghihiganti.