Nilinaw ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na hindi sila nagpapalabas ng mga mensahe na walang kinalaman sa extreme weather events, kasabay ng paglabasan ng emergency alerts na nananawagan ng suporta para kay dating Sen. Bongbong Marcos.
Ayon sa NDRRMC, ang pag-gamit ng kanilang emergency mobile alerts system ay sumusunod lang sa prescription ng RA 10639 o ang Free Mobile Disaster Alerts Act, kung saan nagre-require ito na ang mga warning messages ay kailangang hazard-specific, time-bound at area-specific.

Dagdag ng ahensya, nakipag-ugnayan na sila sa kanilang telco partners, kung saan idinadaan ang kanilang mga mensahe.
Duda ng NDRRMC, posibleng pribadong nakipag-ugnayan ang kampo o tagasuporta ni Marcos sa mga telcos para sa pagpapalabas ng naturang mensahe. //MHEL PACIA-TRINIDAD