8 patay matapos maaksidente ang sinasakyang private plane sa Italy

Patay ang walong taong sakay ng private plane matapos sumalpok sa isang gusali sa Milan city sa Italy.

Ayon sa report, patungo sana ng Sardinia island ang private plane mula sa Linate airport sa Milan nang nangyari ang aksidente.

Read More:  Several Florida polling precincts moved due to heavy rain and flooding

Kinilala ang piloto ng eroplano na ang bilyonaryong Romanian na si Dan Petrescu kasama ang kanyang asawa at anak na lalaki na pawang nasawi.

Read More:  Spain transport minister resigns following deadly train collision

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang sanhi ng crash at ang pagkakakilanlan ng iba pang sakay ng eroplano.