Bilang ng mga nasawi dahil sa COVID- 19 sa bayan ng Mercedes umabot na sa 15

CAMARINES NORTE- Umaabot na sa 15 ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID- 19 sa bayan ng Mercedes.

Batay sa case bulletin ng Municipal Health Office umaabot na sa138 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit at sa bilang na ito ay 11 ang aktibong kaso.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Ang 11 aktibong kaso ay nagpapagaling sa hospital, Ligtas COVID center at Barangay Isolation Unit.

Nitong weekend ay dalawang bagong kaso ng sakit ang naitala sa naturang bayan batay naman sa case bulletin ng Department of Health.

Umabot naman sa 112 ang bilang ng mga gumaling matapos makapagtala ng 4 na bagong nakarekober.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Sa 27 barangay ng naturang bayan, nangunguna ang San Roque sa may pinakamaraming kaso

Dalawang barangay na lang sa naturang bayan ang nananatiling walang naitatalang kaso ng COVID- 19 at ito ay ang Apuao at Lanot.