Isko Moreno, tatakbong pangulo sa 2022; Doc Willie Ong, runningmate

Kinumpirma na ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na tatakbo siya sa pagka-presidente sa darating na Eleksyon 2022.

Ayon kay Domagoso, si Doc Willie Ong ang kaniyang runningmate na tatakbo naman bilang bise presidente.

Read More:  Malacañang urges Sen. Bato Dela Rosa to surrender

Ngayong Miyerkules nakatakdang pormal na ideklara ng alkalde ang kaniyang pagtakbo kasama si Ong.

Matatandaan na si Domagoso ang presidente ng partidong Aksyon Demokratiko, na siyang partido rin ni Pasig City Mayor Vico Sotto.

Read More:  PDEA links Ex-BARMM member Sultan Edrieza Rimbang to Laos drug bust

Samantala, hindi pa tumutugon si Ong kung opisyal na ba itong lumipat sa partido ng Aksyon.