Pondo para sa COVID-19 response sa 2022, kulang- Solon

Kinuwestyon ni Marikina City Representative Stella Quimbo ang maliit na budget na inilaan umano para sa COVID-19 response sa ilalim ng 2022 General Appropriations Bill (GAB).

Sa budget deliberations, sinabi ni Quimbo na nakasaad sa GAB mula sa Department of Budget and Management (DBM) na P350.223 bilyon lamang ang nakalaan sa COVID-19 response efforts for health and non-health.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Ang halaga umanong ito ay katumbas lamang ng 6.72% ng iminumungkahing P5.204-trillion budget para sa taong 2022, at 1.95% lamang ng 2020 gross domestic product (GDP).

Dagdag pa ng mambabatas, walang nakalaang budget para sa medicine kits, SRA (special risk allowance) ng frontliners, pati na rin sa bakuna at contract tracing.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Sa huli, nangako si Quimbo na magpapasa ng panukala upang amyendahan ang mga pondo nang sa gayon ay masiguro na wasto ang maibibigay sa mga ahensya para sa pagtugon sa COVID-19.