MOA sa pagitan ng DOH at LGU Basud kaugnay sa SRA ng eligible health workers ilalarga na

Ilalarga na ang isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Basud, Camarines Norte at ng Department of Health- Center for Health and Development Bicol (DOH- CHD) para sa pagbibigay ng Special Risk Allowance (SRA) sa mga eligible health workers.

Ito ay makaraang aprobahan ng Sangguniang Bayan sa regular na sesyon noong Lunes ang hiling ni Mayor Adrian Davoco  na mabigyan siya  ng authority na pumasok sa isang MOA sa pagitan ng LGU at DOH- CHD Bicol na sinertipikahang “urgent.”

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Sa ilalim ng kasunduan ay bibigyan ng authority ang Alkalde in behalf ng LGU na makuha ang pera  para sa Special Risk Allowance (SRA) ng mga eligiblie health workers.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Ang mga eligible health workers na makakatanggap ay yaung direktang may contact sa mga COVID- 19 patients sa panahon ng state of national emergency.

Kaugnay nito ay maghahain ng resolusyon ang SB para magbigay ng kapangyarihan sa Alkalde na pumasok sa naturang kasunduan.