Paralympic bronze medalist Josephine Medina, pumanaw sa edad na 51

Kinumpirma ng Philippine Sports Commission na pumanaw na ang 2016 Rio de Janeiro Paralympics bronze medalist na si Josephine Medina.

Nasawi ang 51-anyos na si Medina sa gitna ng kampanya ng Pilipinas sa Tokyo Paralympics at kasabay ng ikatlong death anniversary ng kaniyang kapwa table tennis player at Olympian na si Ian Lariba.

Mababatid na tinamaan si Medina ng polio noong walong taong gulang pa lamang ito.

Si Medina ay isa sa dalawang Pilipinong na nakasungkit ng medalya mula sa quadrennial event matapos makakuha ng powerlifter na si Adeline Dumapong-Ancheta ng bronze medal sa Sydney Olympics noong 2000.

Nagwagi rin ang yumaong table tennis player ng ginto sa 2017 ASEAN Para Games, at apat na gold medals sa 2008 edition nito.

Sa continental level naman, ay naging silver medalist si Medina sa 2010 at 2018 Asian Para Games, habang naiuwi naman niya ang bronze sa 2014 edition nito.