Osang humingi ng paumanhin kay LT dahil sa pakikipagrelasyon noon kay Rudy Fernandez

Ibinunyag ng aktor, talent manager at TV host na si Ogie Diaz na nagkaayos na ang mga aktres na sina Rosanna Roces at Lorna Tolentino na nagkaroon noon ng isyu umano dahil sa yumaong aktor na si Rudy Fernandez.

Ayon kay Ogie, mismong si Osang ang lumapit kay Lorna para personal na humingi ng tawad.

Ang tinutukoy na isyu ni Ogie ay ang pakikiapagrelasyon noon ni Osang kay Fernandez na kasal noon kay Lorna.

Naikwento naman ni Ogie ang paraan ng pakikipagbati ni Osang kay Lorna.

Anya, nilapitan ni Osang si Lorna para yumakap matapos siyang batiin nito.

Doon ay natanong anya ni Osang, “galit ka pa sakin”.

Ipinunto niya na ang naging sagot ni LT ay “hindi na. Ang tagal na nun.”

Pagkatapos nito ay yumakap ulit si Osang at sinabi “Sorry” habang sinabi naman ni Lorna, “hayaan mo na, nasa langit na yung isa”.

Inihayag ni Ogie na ikinatuwa ng aktor na si Coco Martin ang pangyayari.

Mababatid na kasama si Rosanna sa mga celebrities na bagong pasok sa longest-running teleserye na “Ang Probinsyano” kung saan ay kabilang sa cast members nito si Lorna.