Ipinagpaliban muli ng Norway ang plano nito na i-lift ng tuluyan ang mga health restrictions na ipinatupad nito laban sa COVID-19.
Ito ay matapos maitala sa Scandinavian country ang panibagong record ng COVID-19 infections.
Kaugnay nito ay sinabi ng gobyerno ng Norway na bubukasan na nito ang vaccination para sa 12-15 anyos na mga bata upang maparami ang mabigay ng proteksyon laban sa mag nakakahawang Delta varian.

Kamakailan ay sinimulan ng Norway ang unti-unting pagbawi sa mga restriksyon bago mag tag-araw kasunod ng roll out ng mga bakuna at pagbaba ng infections.
Ayon sa gobyerno, inasahan nito na makakapasok na sila sa ikaapat o final phase ng reopening sa July.
Pero naatras ito ng maraming beses, dahil sa mga pangamba kaugnay sa pag-contain sa virus.
Ipinunto ni Prime Minister Erna Solberg na mauuwi lang sa lalong paglaganap ng virus ang pagpapatuloy ng reopening.