Eksperto: ‘Hindi dapat katakutan ang haba ng bisa ng bakuna’

Pinaaalahanan ang publiko ng isang eksperto na huwag mangamba sa haba ng bisa ng mga bakuna, ito ay matapos ang ulat na hanggang anim na buwan lamang ang efficacy nito.

Ayon kay National Adverse Events Following Immunization Committee (NAEFIC) chairperson Dr. Lulu Bravo, ang dapat aalalahanin at i-promote ng publiko ay ang magpabakuna. 

Read More:  Sara Duterte’s lead over Robredo narrows to 7 points – OCTA

Binigyan diin ng doktora na ang lahat ng bakuna ay aprubado ng Food and Drug Administration at ang mga ito ay “safe and effective”

Read More:  PAGASA warns of danger-level heat index in 16 areas

Dagdag pa ni Bravo, maaaring matapos ang pandemic kung ang 90% ng populasyon ay bakunado na laban sa COVID-19.

Mababatid na ayon sa isang pag-aaral, ang proteksyon ng Pfizer at AstraZeneca ay humihina sa loob ng anim na buwan at maaaring kailanganin ng booster shots upang humaba ang bisa ng mga ito.