DepEd, naglabas ng mga panuntunan kaugnay sa enrollment

Inilabas na ng Department of Education ang mga panuntunan sa enrollment para sa bagong school year.

Sa ilalim nito, ang enrollment sa public schools na nag-aalok ng basic education at Alternative Learning System programs ay gagawin online.

Kaugnay nito, ang registration para sa bagong school year ay magsisimula sa August 16 habang ang unang araw ng pasukan ay sa September 13.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Ayon sa Deped, ikokontak ng paaralan ang magulang o guardians ng incoming Grades 1 to 6, 8 to 10, at 12 learners, para ipaabot ang remote enrollment procedures.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Para naman sa mga magulang ng incoming kindergartners, Grades 7 at 11 students ay kailangang makipag-ugnayan o ire-affirm ang kanilang intent para mag-register sa pamamagitan ng mga platforms na itinayo ng mga paaralan.

Tulad noong nakaraang academic year, ang mga paaralan ay magse-set up ng drop boxes sa iba’t-ibang lokasyon kung saan pwedeng kunin o i-drop ng mga magulang ang enrollment forms.//MHEL PACIA-TRINIDAD