DOH, di aatras sa kahit anung imbestigasyon re: P67-B COVID-19 funds

Bukas ang Department of Health sa kahit anung imbestigasyon kaugnay sa alegasyon ng umano’y korapsyon laban sa kanila dahil sa P67-billion na pondo para sa COVID-19 response.

Kaugnay nito, muling iginiit ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na handa nilang isumite ang lahat ng mga dokumento na mahalaga sa audit observations na ginawa ng Commission on Audit (COA).

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Sa katunayan, nasa 98% na ang kanilang nagagamit mula sa lahat ng pera na naibigay sa kanila, simula nang magsimula ang pandemya.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Binigyang diin rin ni Vergeire na naipalabas rin ng DOH ang karagdagang pondo para sa allowance at benepisyo ng mga healthcare workers, dahil sa pagpapalawig sa Bayanihan 2 Law.

Sa huli, umapela ito sa publiko na huwag mag-assume na may korapsyon sa DOH nang walang sapat na ebidensya na susuporta sa naturang mga claims. // MHEL PACIA-TRINIDAD