Inihayag ng Philippine National Police na umaabot sa mahigit 30,000 indibidwal sa Metro Manila ang lumabag sa minimum public health at safety protocols sa unang linggo ng enhanced community quarantine (ECQ).
Batay sa datos mula sa Joint Task Force Covid Shield, lumalabas na kabuoang 30,150 ang nahuli, pinagmulta at binalaan dahil sa paglabag sa iba’t-ibang public health at safety protocols at quarantine guidelines sa 34 quarantine control points sa Metro Manila mula Aug. 6-11.
Ayon kay PNP chief PGen. Guillermo Eleazar, naitala ng PNP ang mahigit 5,000 violators per day sa naturang period.
Kaugnay nito, naitala rin ng PNP ang 2,100 non-Authorized Persons Outside of Residence (APORs) violators sa Metro Manila, na may daily average na 350. // MHEL PACIA-TRINIDAD
