SORSOGON CITY – Discretion o sariling pagpapasiya na ng isang doktor kung mag-iisyu ito ng medical certificate sa isang indibidwal kahit wala naman itong karamdaman.
Pahayag ito ni Dra. Gladys Escote ng Department of Health (DOH)-Sorsogon, sa harap ng mga impormasyon na mayroong mga indibidwal ang nagpapagawa ng medical certificate sa kanilang mga kakilalang doktor para lamang makabilang sa prayoridad na mabakunahan.
Ayon dito, ‘call’ na ng isang doktor kung sa kabila na wala namang karamdaman ang isang inidbidwal ay iisyuhan niya ito ng nasabing sertipikasyon.
Samantala, sinabi ng opisyal na kung sakali mang nababakunahan ang nasabing mga indibidwal ito ay dahil wala namang pagpipilian ang mga nangangasiwa sa vaccination kundi tanggapin ang nasabing mga certificate dahil wala namang karapatan ang mga ito na kuwestyunin ang validity naturang medical certificate.
