Bata patay dahil sa rabies matapos makagat ng aso 4 na taon ang nakalipas

SORSOGON CITY- Rabies ang itinuturong dahilan ng pagkamatay ng isang bata sa Sitio Site Brgy San Juan Bacon sa lungsod ng Sorsogon.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Sorsogon City Veterinary Office Head Dr. Alexander Destura, lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng kanilang hanay na mahigit tatlo hanggang apat na taon na ang nakalilipas nang makagat ng aso ang biktima.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Samantala, naniniwala ito na itinago ng bata ang mga sintomas na naramdaman nito sa mga nagdaang taon dahil sa kawalan ng medical records nito sa City Health Office.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Ayon kay Destura, matutukoy sana ang asong kumagat sa bata kung agad itong naireport sa opisina.

Kaugnay nito, aminado ang ahensya na mahirap ng ma-trace ang asong kumagat sa biktima pati na rin ang pagkakakilanlan ng may- ari ng aso na siya sanang dapat na managot sa nasabing insidente.