Panukalang i-deploy ang mga medtech at dentista as vaccinators – aprub sa kamara

Inaprubahan na ng House Committee on Health ang panukalang mag-deploy ng mga dentista at mga lisensyadong medical technologists bilang COVID-19 vaccinators ngayong kalagitnaan ng pandemya.

Si Estrellita Suansing, na siyang representante ng probinsya ng Nueva Ecija, ang nagsulong upang maaprubahan ang House Bill 9354 na siya namang sinang-ayunan ng iba pang miyembro ng komite.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Sa ilalim ng House Bill 9354 na inihain nina Reps. Angelina “Helen” Tan, Christopher “Kit” Belmonte, at Stella Quimbo, mayuning madagdagan ang mga taong makatutulong sa pagpapabilis ng pagbabakuna sa bansa.

Ayon sa panukala, malaki ang maiaambag ng mga dentista at lisensyadong medical technologists sa pagpapalawig ng vaccination program sa bansa at malaki ang tsansa na mas marami pa ang mababakunahang mga Pilipino sa susunod na mga araw.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Sa ngayon, 24,990,042 doses na ng COVID-19 vaccines ang naipadala sa bansa base sa National COVID-19 Vaccination dashboard at pumalo na sa 11,614,590 katao ang fully-vaccinated laban sa COVID-19.