Gov’t., plano pang bumili ng dagdag na Sinopharm doses- FDA

Kinumpirma ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo na pinagiisipan ng gobyerno ang muling pagbili ng China-made Sinopharm COVID-19 vaccine.

Ito umano ay para mapalakas pa ang vaccination effort sa bansa.

Ayon kay Domingo, sa ngayon, naka-abang ang gobyerno sa mahigit isang milyong doses ng Sinopharm vaccine na binigyan ng Emergency Use Authorization (EUA) nitong Hunyo.

Read More:  PPA prepares for expected surge in travelers during five-day ASEAN Summit holiday

Una nang sinabi ni Domingo na ang Sinovac na bakunang gawa rin ng China ang pinaka kilalang bakuna sa bansa, sinundan ng AstraZeneca at Pfizer.

Ang Sputnik V naman ang pinaka hindi kilala dahil sa mababang supply.

Read More:  NBI Chief Matibag says arrest of Sen. Bato Dela Rosa could be near

Mababatid na ang Sinopharm ang bakunang itinurok kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang naging kontrobersyal ang Sinopharm COVID-19 vaccine matapos itong gamitin ng Presidential Security Group o PSG bago pa man ito mabigyan ng EUA ng gobyerno.

Sa kabilang banda, noong Agosto 5, umabot na sa 10.28 milyon ang kabuuang bilang ng nabakunahan sa bansa ayon sa National Task Force laban sa COVID-19.