Hindi umano bakunado ang karamihan ng mga pasyente sa Intensive Care Units (ICU) sa mga ospital sa buong bansa sa kabila ng mga programa ng gobyerno na paigtingin ang pagbakuna at pagsasatupad ng mahigpit na lockdown.
Ayon kay Dr. Ted Herbosa ng National Task Force laban COVID-19, tinatayang nasa 10.28 milyon katao na ang nabakunahan ng gobyerno ngunit ito ay malayo pa sa target para sa herd immunity.
Binigyang diin ni Herbosa na ang layunin ng Metro Manila Council o MMC ay mabakunahan ang 50% ng populasyon sa Metro Manila kahit kasalukuyang nasa lockdown o Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang nasabing rehiyon mula Agosto 6 hanggang 20.
Samantala, pinapaalalahanan rin ang mga senior citizens at ang mga taong may kapansanan na magpabakuna na laban sa naturang sakit ngayong ECQ.
Matataandaang pumalo na sa 11,000 ang bilang ng mga bagong kaso noong Sabado.
Dahil rito, umabot na sa 1,649,341 ang kabuung bilang ng kaso sa bansa, kabilang rito ang 1,544,443 na gumaling na at 28,835 na nasawi.
