300K FFPs – naka-posisyon na sa Bagyong Marce

Mayroong nakahandang 300 thousand family food packs ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga posibleng maaapektuhan ng Bagyong Marce sa bansa.

Sa press briefing sa NDRRMC, sinabi ni DSWD Usec. Diana Rose Calipe, mula ito sa kasalukuyang national stockpile ng ahensiya sa halos 1.3 million family food packs.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Bukod dito, nagbigay na rin ng direktiba si DSWD Sec. Rex Gatchalian na i-activate ang kanilang repacking station sa Central Luzon para mabilis na maihatid ang tulong sa mga maaapektuhan ng bagyo sa Northern Luzon.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Tiniyak ng DSWD na sa kabila ng tuloy-tuloy na paghahatid ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine at Leon, nakahanda na rin sila sa inaashaang relief operations sa epekto ni bagyong Marce.