Ibinahagi ni Senate Committee on Public Services, Chairperson, Senador Raffy Tulfo na posible siyang magpatawag ng pagdinig hinggil sa nag-viral na video na pagdaan ng sasakyang puti sa EDSA busway gamit ang pekeng plaka na may numerong ‘7’.
Pero bago ito maisagawa, nais na muna umano ng senador na matukoy kung sino ang tao sa likod ng panlolokong ito.
Samantala, una nang sinabi ng senador na kumpiyansa siyang malalaman din agad ang may-ari nito dahil 24 lamang sa Pilipinas ang nagmamay-ari ng puting Cadilac Escalade.
Tiniyak naman din ni Tulfo na magiging patas at wala siyang sasantuhin sa paghawak ng isyung ito.