DSWD, tiniyak na sapat ang tulong sa mga apektado ng Bagyong Kristine

Hindi tumitigil ang operasyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para aksyonan ang mga taong apektado ng Bagyong Kristine.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay DSWD Spokesperson Asec. Irene Dumlao, sinabi nitong nagpapatuloy ang kanilang koordinasyon sa mga local government units upang mahatiran ang mga residente ng tulong.

Read More:  Ex-DPWH Chief Bonoan to testify against Martin Romualdez

Maliban dito, tuloy-tuloy din aniya ang dispatch ng mga family food packs sa iba’t ibang warehouse ahensya.

Sa kasalukuyan, umabot na umano sa higit P55M halaga ng humanitarian assistance na ang naipahatid ng DSWD para sa mga pamilya nasalanta ng bagyo.

Pagtitiyak ni Dumlao, sapat pa ang stockpiles nila, at nasa mahigit 1.9M na mga family food packs pa ito.

Read More:  DepEd warns students against fake news, pranks, and bomb threats

Nagpapatuloy rin umano ang produksyon sa ilang mga pasilidad ng DSWD, maging ang pakikipag-ugnayan nito sa iba pang mga private distributors.

Batay sa monitoring ng ahensya, 488,000 na mga pamilya ang naitalang apektado ng sama ng panahon mula sa 3,068 na mga barangays.